National News
Grupong TAPS Coalition, nilinaw na ang Maisug rally ay hindi pagkalaban sa kasalukuyang admin
Nilinaw ngayon ng grupong Transparency, Accountability, Peace and Security (TAPS) Coalition na hindi nila kinalalaban ang kasalukuyang administrasyon bagkos nais lamang nila na tuparin ng pangulo ang ipinangako nito noong ito ay nangangampanya palang.
Araw ng Miyerkules, ika-24 ng Abril, nagtipon-tipon sa Bustos, Bulacan ang ibat-ibang civil society organization mula sa Central Luzon upang ipabatid sa kasalukuyang administrasyon ang tunay na pulso ng bayan kaugnay sa mga pangunahing isyu na kinakaharap ng bansa.
Ayon kay Dr. Edwin Maniti Vice President for Operation ng Anti-Crime and Community Response Team (ACCERT) hinahanap ng taong bayan kung nasaan na ang foreign policy ni Pangulong Bongbong Marcos na friends to all, enemies to none.
Bakit ngayon ay hindi nila ito maramdaman bagkos tayo ay isinusubo na ngayon sa giyera laban sa China.
Si Dr. Maniti ay isa lang sa mga dumalo sa isinagawang Maisug presscon sa Bulacan.
Kasabay nito ay inanunsyo ng grupo na matutuloy na Ngayong April 28, araw ng Linggo ang Maisug Peace Rally sa Bustos, Bulacan upang kanilang ipagsigawan ang kanilang mga hinaing laban sa gobyerno.
