National News
Guarantee bond laban sa Singaporean employers, tinanggal na ng Pilipinas
Tinanggal na ang ipinapatupad na guarantee at performance bond para sa Singaporean recruiters at employers ng domestic workers.
Inanunsyo ito ni Department of Migrant Workers (DMW) Sec. Susan Ople sa kanyang naging courtesy call kay Manpower Minister Tan See Leng.
Ayon kay Sec. Ople, ang pagkakatanggal ngayon ng guarantee at performance bond ay isang simbolo ng magandang ugnayan ng Singapore at Pilipinas.
Kung matatandaan, ipinataw ito ng Pilipinas matapos ikinagalit ng publiko ang nangyaring pagkabitay ni Flor Contemplacion noong 1995.
Itoy dahil sa pag-plead guilty nito sa kasong pagkamatay ng kapwa Filipino domestic worker at ang binabantayan nitong bata.
Umapela na noon si dating Pangulong Fidel Ramos hinggil dito subalit pinarusahan parin ng bitay si Contemplacion.
