Connect with us

Guidelines ng revised MATATAG curriculum, ipatutupad na

Guidelines ng revised MATATAG curriculum, ipatutupad na

National News

Guidelines ng revised MATATAG curriculum, ipatutupad na

Epektibo na sa 2nd quarter ng school year o sa Setyembre 25 ang updated guidelines ng revised Kindergarten to Grade 10 curriculum o mas kilala bilang MATATAG curriculum.

Inanunsyo ito ng Department of Education (DepEd) nitong Huwebes, Setyembre 19, 2024.

Sa ilalim ng updated guidelines, may tatlong options na nakapaloob dito.

Sa option A, 45 minuto lang ang ilalaan sa lahat ng learning areas.

Mayroon ring 45 minuto na ilalaan bawat linggo para sa Homeroom Guidance Program.

Sa option B, maaaring laanan ng pare-parehong 50, 55 0 60 minuto ang bawat learning area.

Ang English, Mathematics, Science, at Values Education ay ituturo ng limang beses bawat linggo.

Maliban pa sa Homeroom Guidance Program na ituturo isang beses bawat linggo, ituturo rin ng apat na beses bawat linggo ang Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP) o Technology and Livelihood Education (TLE); Music, Arts, Physical Education and Health (MAPEH); at Araling Panlipunan (AP).

Sa option C, nakadepende na sa paaralan kung anong uri ng kombinasyon ang kanilang gagawin basta’t nasa limang oras at tatlumpung minuto bawat araw lang ang learning contact ng mga mag-aaral.

Kailangan lang siguraduhin ng mga paaralan na ang English, Mathematics, Science, at Values Education ay nasa kabuoang 225 minuto bawat linggo ang inilaan para sa pag-aaral nito.

More in National News

Latest News

To Top