Connect with us

Guidelines sa pagkuha ng antigen COVID-19 testing, nilinaw ng DOH

Guidelines sa pagkuha ng antigen COVID-19 testing, nilinaw ng DOH

National News

Guidelines sa pagkuha ng antigen COVID-19 testing, nilinaw ng DOH

Nilinaw ng Department of Health (DOH) ang guidelines sa pagkuha ng antigen COVID-19 testing.

Ayon sa DOH, kapag ang isang tao ay nakararanas ng sintomas ng COVID-19 at nag-negatibo sa antigen test, kailangan pa rin mag-isolate at sumailalim sa RT-PCR test.

Kapag naman na- expose sa COVID-19 positive ngunit asymptomatic at nag-negatibo sa antigen test, dapat pa rin sumailalim sa quarantine at kumuha ng RT-PCR test sa ika-limang araw mula nang na-expose.

Kapag nag-positibo naman sa antigen test ngunit walang sariling kwarto, dapat ay pumunta sa isolation facility.

Nilinaw ng DOH na ang home isolation ay para lamang sa mga may sariling kwarto at toilet.

Para naman sa mga nakasalamuha ng COVID-19 positive, dapat sumailalim sa home quarantine.

Bukod pa rito, dapat gawin din ang antigen test ng mga trained health professionals.

Pagsasagawa ng antigen tests, dapat professional health workers lang ayon sa DOH

Professional healthcare workers ang dapat nagsasagawa ng antigen tests.

Sa kasalukuyan, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, wala pang inaprubahan ang Food and Drug Administration (FDA) na self-testing kits laban sa COVID-19.

Dahil dito, inaaanyayahan ni Vergeire ang lahat na sakaling may nararanasang sintomas ng COVID-19, agarang lumapit sa mga medical professionals para masuri.

Sa usaping pagbibigay permiso sa self-testing kits, bukas naman ang FDA para sa aplikasyon ng special certification ng mga ito.

More in National News

Latest News

To Top