Connect with us

Gunman ng Percy Lapid case na si Joel Escorial, nasentensyahan ng 16-year jail term

Gunman ng Percy Lapid case na si Joel Escorial, nasentensyahan ng 16-year jail term

Regional

Gunman ng Percy Lapid case na si Joel Escorial, nasentensyahan ng 16-year jail term

Nasentensyahan ng hanggang 16 na taong maximum imprisonment si Joel Escorial, ang self-confessed gunman ng radio broadcaster na si Percival Mabasa o mas kilala bilang Percy Lapid.

Batay ito sa desisyon na inilabas ni Regional Trial Court (RTC) Judge Cesar Hulinganga ng Las Piñas City RTC.

Bagamat hindi pa available ang kopya ng desisyon ay kinumpirma rin ito ni Roy Mabasa, ang kapatid ng namapayapang journalist.

Samantala, ilan rin sa mga itinuturong mastermind ng kaso ay sina dating Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag at si dating BuCor Deputy Security Officer Ricardo Zulueta.

Subalit si Zulueta ay namatay na noong Marso dahil sa cerebrovascular disease intracranial hemorrhage.

More in Regional

Latest News

To Top