Connect with us

Gwyneth Chua, haharap sa fiscal pagkalabas sa quarantine facility

Gwyneth Chua, haharap sa fiscal pagkalabas sa quarantine facility

National News

Gwyneth Chua, haharap sa fiscal pagkalabas sa quarantine facility

Haharap si Gwyneth Chua sa fiscal pagkalabas nito sa quarantine facility na tinutuluyan niya.

Sa panayam ng Sonshine Radio kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Martin Dino, kinumpirma nitong nasampahan na ng kaso si Chua pati na ang mga magulang at boyfriend niya.

Sa kasalukuyan ay iniimbestigahan na rin kung gaano kabigat ang pagpapabaya ng hotel hinggil dito.

Ibinahagi na rin ni Dino na ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte na lagyan ng police ang lahat ng quarantine hotels.

Samantala, binigyang-diin ni Dino na aarestuhin at kakasuhan ang lahat na hindi bakunado sakaling mahuhuli itong lumabas sa kani-kanilang bahay.

Aniya, tapos na ang kapatawaran dahil magdadalawang taon na ang buong mundo na nakikipaglaban sa COVID-19.

Subalit kung talagang essential ang bibilhin ng hindi bakunado, mas mainam na magpasama nalang sa tanod para maging balido ang paglabas.

More in National News

Latest News

To Top