Connect with us

Hakbang ng SolGen vs ABS-CBN, isang ‘panggigipit’ – VP Robredo

VP Leni Robredo

National News

Hakbang ng SolGen vs ABS-CBN, isang ‘panggigipit’ – VP Robredo

Naniniwala si Vice Pres. Leni Robredo na panggigipit at pang-aabuso sa kapangyarihan ang paghahain ng Office of the Solicitor General ng Quo Warranto petition laban sa ABS-CBN.

“Panggigipit ito, ayon sa pansariling agenda ng iilang nasa poder. Samakatuwid: Pang-aabuso ito ng kapangyarihan,” pahayag ni Robredo.

Dagdag pa ni Robredo na ang petisyon ay taliwas sa karaniwang proseso ng pag-renew ng prangkisa sa pamamagitan ng kongreso.

Binigyang diin ng bise presidente na kung nagagawa ito ng gobyerno sa pinakamakapangyarihang TV network ay maaari din itong mangyari sa mas malillit na media outlet sa bansa at sa publiko.

Ayon kay Robredo, “ang kalayaan ng pamamahayag ay hindi lamang tungkol sa kalayaang magsalita. Tungkol din ito sa karapatan ng sambayanang marinig ang katotohanan sa buong lawak nito, at matukoy ang kolektibo nating pinahahalagahan bilang bansa.”

Hinimok din ni Robredo ang lahat lalo na ang kongreso na makiisa sa pangangalaga ng kalayaan ng pamamahayag.

More in National News

Latest News

To Top