National News
Halaga ng Tourism Investment noong 2023, umabot sa P509-B – DOT
Umabot sa P509-B ang halaga ng Tourism Investment ng bansa noong nakaraang taon.
Ayon kay Tourism Secretary Christina Garcia Frasco, ang nasabing halaga ay mas mataas ng 34% kumapara sa naitala noong taong 2022.
Malaki ang naging ambag sa pagtaas ng Tourism Investment ang sector ng accommodation na umabot sa 51% mula sa kabuuang investment
Samantala, nasa mahigit 6.21-M Pilipino naman ang nabigyan ng trabaho sa hanay ng turismo noong nakaraang taon.
