National News
Halos 120 bangkay ng PDLs sa NBP na mag-iisang taon na sa punerarya, ililipat na para sa otopsiya
Kinumpirma ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na nakatakda ng lagdaan ang kasunduan ng at Philippine General Hospital (PGH).
Sinabi ni Remulla na layunin ng memorandum of agreement na mailipat sa PGH ang halos 120 bangkay ng mga bilanggo o Persons Deprived of Liberty (PDL) na namatay sa New Bilibid Prison at halos isang taon ng nakalagak sa Eastern Funeral Homes.
Isasailalim aniya sa otopsiya at pathological test ng National Bureau of Investigation ang mga bangkay para malaman at matukoy ang dahilan ng kanilang kamatayan.
Sa kasalukuyan aniya ay hinahanap na ang pamilya ng 176 bangkay ng PDL para maabisuhan sila sa inihahandang disenteng paglilibing.
