National News
Halos 200 na manggagawa, inaresto sa isang illegal POGO hub
Inaresto ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang 188 na mga manggagawa sa isang ilegal na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) facility sa Makati.
Ayon sa ulat, isang manhunt para sa isang suspek sa pagnanakaw sana ang nakatakdang gawin, ngunit humantong ito sa pagkakatuklas ng POGO hub sa 21-storey Yuchengco Tower sa Makati noong Marso 19, 2025.
Sa mga inarestong manggagawa, 135 ay mga dayuhan, kabilang ang 85 na Chinese, 26 Malaysian, 11 Taiwanese, 5 Japanese, at tig-2 mula sa Vietnam at Indonesia.
May tig-1 rin mula sa Mongolia, Myanmar, Brazil, at Saint Kitts and Nevis. Samantalang 53 naman ang mga manggawang Pilipino.
