Connect with us

Halos 2,000 hospital beds, magagamit na sa sandaling matapos na ang conversion ng 3 gov’t facilities

Halos 2,000 hospital beds, magagamit na sa sandaling matapos na ang conversion ng 3 gov't facilities

COVID-19 UPDATES

Halos 2,000 hospital beds, magagamit na sa sandaling matapos na ang conversion ng 3 gov’t facilities

Kabuoang 1,950 hospital beds ang maaaring magamit sa ginawang conversion ng pamahalaan sa 3 pasilidad para gawing health facility sa gitna ng patuloy na pagdami ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) cases sa bansa.

Sinabi ni Cabinet Sec. Karlo Nograles, na sa darating na Abril 10 matatapos na ang conversion ng Philippine International Convention Center (PICC) na may 700 kama.Host to the World | International Convention Center | PICCSa Abril 10 din matatapos ang pag-convert ng Rizal Memorial Stadium na kayang magaccomodate ng 600 pasyente.Habang ang World Trade Center naman ay matatapos ang conversion sa Abril 12 na may 600 hopital beds.

“Kung kailangan po natin lumabas ng bahay kailangan po natin mag-mask; kahit improvised po natin ito o panyo, basta po may pantakip ng bibig at ilong,” saad ni Nograles.

“Yung sinasabi naming deadline, April 10 at April 12, yan ang para sa full completion na mga facilities na yan. Pero magkakaroon din po tayo ng mga partial completions. And as soon as partial completions are done, maaari na po nating gamitin yung partial partially yung mga section na natapos na,” dagdag pa nito.

Samantala, maliban sa naturang 3 pasilidad, nakatakdang i-convert rin bilang health facilities ang Quezon Institute, Pasig Sports Arena, Duty Free Paranaque at Veterans Memorial Medical Center.

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top