National News
Halos 90,000 Pinoy workers abroad, nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 crisis
Umabot na sa halos 90,000 Overseas Filipino Workers ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemic.
Ayon sa Philippine Overseas Labor Offices, nasa 89,436 na overseas Pinoy workers na ang hindi nakakasahod o nawalan ng trabaho sa iba’t ibang panig ng mundo.
Ayon naman sa DOLE, mahigit 200,000 OFWs ang humingi ng ayuda sa kanilang AKAP program kung saan bawat OFW ay target na mabigyan ng P10,000.
Mas mataas ito kumpara sa target na 150,000 Pinoy workers abroad na matulungan sa ilalim ng AKAP program ng DOLE.