Connect with us

Halos P4-M na illegal drugs, nasabat sa Port of Clark

Halos P4-M na illegal drugs, nasabat sa Port of Clark

Metro News

Halos P4-M na illegal drugs, nasabat sa Port of Clark

Matagumpay na naharang ang pagpasok sa Pilipinas ng 2 kilo ng Kush o high-grade marijuana at mahigit 150 piraso ng disposable vapes na may cannabis.

Batay sa impormasyon ng Bureau of Customs (BOC), nanggaling sa California, USA ang 2,132 grams ng Kush at 156 piraso ng assorted cannabis infused disposable vapes na nagkakahalaga ng P3.97-M.

Idineklara itong mga accessories pero dahil sa kaduda duda nitong itsura ay isinailalim ito sa inspeksyon ng K9 Unit sa Port of Clark sa Pampanga bukod pa sa pagsusuri sa laboratoryo ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Duon nakumpirma na illegal drugs ang tinangkang ipasok sa bansa.

Inihahanda na ang mga kasong isasampa laban sa mga sangkot sa krimen.

More in Metro News

Latest News

To Top