Connect with us

Hamon na debate ni Robredo vs. BBM, huli na – Pol. analyst

Hamon na debate ni Robredo vs. BBM, huli na - Pol. analyst

National News

Hamon na debate ni Robredo vs. BBM, huli na – Pol. analyst

Super majority ang pumipili sa UniTeam at naniniwala si professor at political analyst Anna Malindog-Uy na wala nang pagbabagong mangyayari hanggang sa election day.

Sa panayam ng Sonshine Radio, sinabi ni Malindog-Uy na magaling ang campaign team ni presidential candidate Bongbong Marcos dahil napaka-positibo at refreshing ang kanilang estilo.

“Late on the game, sino ang papatol sa debate na hamon mo kung wala ka ng oras? Nakaboto na po ang mga OFW, ang ilang personnel ng ating gobyerno na siyang magbabantay ng ating eleksyon, nakaboto na rin. So hindi na nasa isip ng tao ang debate. Boto na ang nasa isip ng tao, at tsaka sa dami ba naman ng interviews at debate na na-staged, hindi pa ba ‘yun sapat in terms of laying down your platforms? Ang gusto lang ata nila is maka-scrore at matamong si BBM ng masamang personal issues, tungkol naman sa martial law and all of that,” ani Prof. Anna Malindog-Uy.

Dahil dito, huli na ang one-on-one debate na hamon ni Vice President Leni Robredo laban kay Marcos.

Aniya, wala na sa debate ang isip ng mga tao.

Madalas sa mga botante ay nakapili na ng kanilang pinal na iboboto at batay sa surveys, ang UniTeam ang may pinakamataas na bilang sa may solidong supporters.

Ayon kay Professor Malindog-Uy, may chance naman sana si Robredo na makaharap si BBM kung dumalo lang ito sa debate at presidential interview na inorganisa ng SMNI.

More in National News

Latest News

To Top