Connect with us

Harris radios, inilatag ng NOLCOM sa mga Isla ng Batanes

Harris radios, inilatag ng NOLCOM sa mga Isla ng Batanes

Regional

Harris radios, inilatag ng NOLCOM sa mga Isla ng Batanes

Pinangunahan ni LtGen. Fernyl Buca commander ng Northern Luzon Command (NOLCOM), ang ginawang pagsusuri sa mga lugar na pinaglagyan ng Harris radios sa probinsya ng Batanes.

Ang naturang Harris radios ay inilagay sa mga lugar kagaya ng naval detachment sa Mavulis, Fuga, at Calayan Islands.

Kabilang sa mga layunin ng pagbisita ng opisyal sa naval detachment sa Mavulis ay upang tiyakin ang kahandaan ng militar sa pagbabantay sa lalawigan ng Batanes. Kasama ni LtGen. Buca na pumunta sa nabanggit na lugar ang ilang opisyal mula sa Philippine Air Force (PAF).

Ang Harris radios ay isang kagamitang pangkomunikasyon, ito ay idinisenyo upang magbigay ng ligtas at tamang datos, kahit pa hindi maganda ang panahon.

Ang pag-install ng Harris radios ay magpapalakas sa kakayahan ng komunikasyon sa buong lalawigan ng Batanes na magpapatibay sa seguridad sa karagatan at sa panlabas na depensa sa rehiyon.

More in Regional

Latest News

To Top