Connect with us

Hatol na guilty sa isang pulis sa war on drugs, iginagalang ng PNP

Hatol na guilty sa isang pulis sa war on drugs, iginagalang ng PNP

Metro News

Hatol na guilty sa isang pulis sa war on drugs, iginagalang ng PNP

Iginagalang ng Philippine National Police (PNP) ang naging hatol ng Caloocan City Regional Trial Court (RTC) kay Patrolman Jeffrey Perez.

Si Perez ay hinatulang guilty dahil sa pagkamatay nina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo De Guzman sa kampanya kontra iligal na droga noong Agosto 2017.

Ayon kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., ang desisyon ng korte ay resulta ng isang patas na paglilitis at naniniwala sila na naiharap ng akusado ang kanyang panig.

Gayunpaman, hindi aniya sumasalamin sa buong PNP ang anumang maling nagawa ng kanilang tauhan.

Lumipat na rin aniya ng estratehiya ang PNP sa anti-crime at illegal drug campaign, kung saan layunin nito na magkaroon ng ‘holistic approach’ kaisa ang komunidad at ang simbahan.

Pero iginiit ni General Azurin na hindi maipapangako ng PNP na ‘zero casualty’sa operasyon dahil kailangan din ipagtanggol ng kanilang tauhan ang sarili lalo na kung nasa panganib.

More in Metro News

Latest News

To Top