National News
Hatol ng hukuman laban sa Maute leader, tagumpay ng bansa, – DOJ
Binati at pinuri ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang Department of Justice (DOJ) Panel of Prosecutors matapos na hinatulan ng korte ang kaso ng terorismo laban sa financier ng grupong konektado sa mga terorista sa Mindanao.
Ipinaliwanag ni Remulla na pinamunuan at pinagsikapan ng DOJ counter-terrorism and Terrorism Financing Task Force na mapatatag ang kaso o case build up upang maisilbi ang hustisya.
Magugunitang pinatawan o hinatulan ni Judge Marivic Vitor ng Taguig City Regional Trial Court Branch 266 na makulong ng habambuhay ang akusadong si Ominta Romato Maute, o mas kilala bilang Farhana Maute, ang matriarka ng maimpluwensiyang pamilya ng Maute sa Marawi City na tinukoy ng mga otoridad na nasa likod ng mga serye ng terrorist activities sa iba’t ibang lugar.
Dahil diyan ay naniniwala ang DOJ na ang hatol sa akusado ay malaking panalo ng Pilipinas laban sa terorismo.