National News
Hazard pay para sa mga frontliners sa COVID-19, ipinanawagan
Nanawagan si Senadora Risa Hontiveros para sa agarang pagbibigay ng hazard pay sa mga health worker, government employee, sundalo, pulis at iba pang frontliners sa bansa sa kanilang laban para makontrol ang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) outbreak.
Ayon sa isa niyang pahayag, sinabi nitong hindi lang dagdag mask at protective wear ang kailangan ng ating mga health professionals at ibang frontliners laban sa COVID-19.
Kailangan din aniya ng dagdag na takehome pay na naayon sa matinding pagod at panganib na kanilang iniinda at hinaharap.
Ayon pa sa senadora, araw-araw ay nagsasakripisyo ang mga health workers at iba pang bayani mula sa publiko at pribadong sektor para mapigil ang pagkalat ng COVID-19 sa mga komunidad.
Sa ilalim ng Republic Act 7305 o Magna Carta of Public Health Workers, ang mga doktor, nurse, at iba pang health worker sa public sector na expose sa panganib ay dapat tumanggap ng hazard pay na katumbas ng 25% ng kanilang buwanang suweldo.
Hiniling din ng mmbabatas na agarang maibigay ang hazard pay sa mga public health workers.
Bukod dito ay huwag din daw kalimutan ang mga traffic enforcers, pulis, sundalo, immigration officers, barangay tanod, office clerks at iba pang kawani ng pamahalaan na patuloy na direktang naninilbihan sa publiko.
Nanawagan naman si Hontiveros sa pribadong sektor ng pagkalooban din ng dagdag na bayad ang kanilang mga manggahawa tulad ng security guards, bank tellers shopping attendants, cashiers, media workers, waiters at hotel staff kung saan ang kanilang trababho ay nasa peligrong mahawaan ng COVID-19. Sots: health workers, guards, pulis and military.