Connect with us

HDO kay Mayor Guo at iba pa, hihilingin sa Korte na ilabas na

HDO kay Mayor Guo at iba pa, hihilingin sa Korte na ilabas na

National News

HDO kay Mayor Guo at iba pa, hihilingin sa Korte na ilabas na

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na nakatakda nilang hilingin sa Korte ngayong Linggong ito na magpalabas ng Preliminary Hold Departure Order (PHDO) laban kay Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at iba pa.

Ito’y makaraang ipinatupad na kahapon ng Bureau of Immigration (BI) ang lookout bulletin order para kina Mayor Guo, dating Technology and Resource Center (TRC) Director General Dennis Cunanan at ng 12 pang respondents.

Lahat sila ay iniuugnay sa ni-raid na Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) hub sa Bamban, Tarlac at kabilang sa mga naunang nasampahan ng kasong qualified human trafficking.

Sa bisa ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) ay inatasan ang BI na bantayan ang posibleng tangkang paglabas ng bansa  ni Mayor Guo at iba pang respondents.

More in National News

Latest News

To Top