Connect with us

Headline inflation sa bansa, bumilis sa 6.1% nitong Hunyo

Headline inflation sa bansa, bumilis sa 6.1% nitong Hunyo

National News

Headline inflation sa bansa, bumilis sa 6.1% nitong Hunyo

Bumilis sa antas na 6.1% ang headline inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa bansa nitong Hunyo 2022.

Ito ay mas mataas sa 5.4% na naitala noong Mayo 2022.

Ayon sa Philippine Statistic Authority (PSA), ang average inflation mula Enero 2022 hanggang hunyo 2022 ay nasa antas na 4.4%.

Sinabi ng PSA na ang dahilan ng mas mataas na antas ng inflation noong nakaraang buwan ay ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng food and non-alcoholic beverages.

Ito ay may 6.0% inflation at 58.3% share sa pagtaas ng pangkalahatang inflation sa bansa.

Nagpakita rin ng mas mataas na inflation nitong Hunyo ang transport at ang alcoholic beverages and tobacco.

More in National News

Latest News

To Top