National News
Health advisory warning, inilabas ng DOH vs. leptospirosis
Nagpalabas ng public health advisory warning ang Department of Health (DOH) laban sa leptospirosis nitong Setyembre 2, 2024.
Ayon sa ahensya, ang leptospirosis ay makukuha sa maduming tubig baha kung kaya’t ipinapaalala ang sinumang exposed dito na agad hugasan ang katawan ng malinis na tubig.
Hanggang nitong Agosto 17, nasa 3,785 ang naitalang leptospirosis sa buong bansa.
5% itong mas mataas kumpara sa 3,605 na kaso noong taong 2023 sa kaparehong panahon.