National News
Health Sec. Duque, mananatili sa kaniyang posisyon – Pang. Duterte
Ibinasura ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panawagan ng mga senador na magbitiw na sa kanyang pwesto si Health Secretary Francisco Duque III.
Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, nagdesisyon ang Punong Ehekutibo na mananatili si Duque sa posisyon nito at sinabing batid ngayon ng kalihim ang mga sentimyento ng mga senador.
Gayunpaman, ikinalugod ni Pangulong Duterte ang hakbang ng mga senador na pagbibigay sa kanya ng oportunidad na timbangin ang kanyang opsyon hinggil sa performance ng Secretary of Health
Umaasa naman ang presidente na mas lalong magsusumikap si Duque na gampanan ang kanyang tungkulin upang mabura ang anumang pag-aalinlangan ng iba sa kapasidad at sinseridad nito na pagsilbihan ang mamamayang Pilipino sa gitna ng nararanasang COVID-19 crisis.