National News
Health Sec. Duque, may ilang hiling sa Kongreso
Nanawagan si Health Sec. Francisco Duque III sa Kongreso na bumalangkas ng mga batas para mapa-igting ang tugon ng bansa laban sa mga health crisis tulad ng Coroanvirus Disease 2019 (COVID- 19).
Panawagan ni Duque na sana ay may batas na malilikha ang Kongreso para matiyak ang sapat na suplay ng personal protective equipments (PPEs) sa bansa.
Mahalaga aniya ito upang sakaling may kaharapin muling helath crisis ang bansa ay may sapat nang suplay nito.
Aniya, mayroon nang isinusulong na panukala si Sen. Richard Gordon kaugnay ditto kaya hiling nito sa Kamara na maghain din ng counterpart bill.
Bukod dito , sinusulong din ng kalihim ang pagtatatag ng sariling center for disease control ng Pilipinas.