COVID-19 UPDATES
Health Sec. Duque, naka-home quarantine dahil sa COVID-19
Naka-home quarantine ngayon si Health Secretary Francisco Duque III.
Ito ay matapos magpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang isang senior official ng Department of Health (DOH).
Ayon kay Health Undersecretary Vergeire, asymptomatic naman ang kalihim at sumailalim na sa test para sa COVID-19.
Kasalukuyan aniyang nakawork from home ang kalihim.