National News
Health workers at iba pang frontliners, maituturing na makabagong bayani-De Lima
Maituturing na mga makabagong bayani ang mga health workers at iba pang frontliners na nagsasakripisyo sa kabila ng health crisis na kinakaharap ng bansa.
Ganito nakikita ni Oppositon Senator Leila de Lima ang ating mga kababayan na patuloy na nagseserbisyo para sa bansa sa gitna ng banta ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Kasunod nito nagpapaabot ng kaniyang pasasalamat at papuri ang senadora sa lahat ng frontliners na matapang na kinakaharap ang kasalukuyang sitwasyon ng bansa.
Ikinalungkot naman ni De Lima ang balitang nakaquarantine ngayon ang nasa 39 doktor, nurse at staff ng Philippine Health Center (PHC) sa Quezon City matapos magkaroon ng interaksyon sa isang pasyenteng namatay dahil sa COVID-19.
Samantala, nagpaabot din ng panalangin si De Lima na siyang chair ng Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development sa lahat ng frontliners at maging sa mga pamilya nito na maging ligtas sa national health crisis na kinakaharap ng bansa.
