National News
“Heat-resistant” na mga paaralan, iminungkahi ng isang senador
Magpatayo na ng heat-resistant na mga silid-aralan para maproteksyunan ang mga mag-aaral at mga guro mula sa matinding init ng panahon.
Ayon kay Sen. Francis Tolentino, magtulungan na dito ang Department of Education (DepEd) at Department of Public Works and Highways (DPWH).
Mainam na ang itatayo na mga bagong silid-aralan ay mayroong sapat na ventilation maliban pa sa pagiging typhoon-resistant nito dagdag pa ng senador.
Sa ngayon ay umaapela din si Tolentino na ikonsidera ang mga batang hindi nakakapunta sa paaralan dahil sa matinding init ng panahon.