Connect with us

Hepe ng BuCor at DOJ, nag-ocular inspection sa Fort Magsaysay para sa posibleng paglipat ng NBP

Higit kumulang 3 oras na biyahe mula sa Metro Manila ang layo ng Fort Magsaysay, Nueva Ecija sa isa sa mga pinagpaplanuhang lilipatan ng NBP.

National News

Hepe ng BuCor at DOJ, nag-ocular inspection sa Fort Magsaysay para sa posibleng paglipat ng NBP

Higit kumulang 3 oras na biyahe mula sa Metro Manila ang layo ng Fort Magsaysay, Nueva Ecija sa isa sa mga pinagpaplanuhang lilipatan ng New Bilibid Prison.

Kung saan suportado ito ni Major General Andrew Costelo, commander ng 7th infantry Division, kung sakaling gamitin ang lugar ng Fort Magsaysay bilang dagdag na pasilidad ng Bureau of Corrections (BuCor).

No description available.

Para naman kay BuCor Chief Gen. Gerald Bantag, mas malaki ang maitutulong kung mabibigyan ng mas malaking lugar ang mga Persons Deprived of Liberty (PDL) o inmates para mas maging produktibo ang mga ito habang nasa loob ng bilangguan.

Samantala, sa kabila ng maualan na panahon ay mainit na sinalubong ng mga personahe ng Philippine Army at ng BuCor ang pag dating ni Secretary of Justice Jesus Crispin Remulla para sa isasagawang ocular inspection sa Mega Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center (MDATRC).

No description available.

Pero bago tumungo sa lugar ng ocular inspection ay nagkaroon muna ng mabilisang pagpupulong ang mga hepe ng mga nabanggit na tanggapan para talakayin ang kundisyon ng lugar kung potensyal ba itong maging pasilidad ng BuCor.

Matapos ang ilang minutong usapan ay agad na tumungo ang mga ito sa nabanggit na rehabilitation facility.

Matapos ang ilang oras na pagsasagawa ng inspeksyon, nakita ng kalihim na ang mas magandang gawing Women’s Correctional at Minimum Security Prison ang MDATRC at sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Mindoro naman ang kaniyang napiling paglipatan ng Maximum Security Compound.

No description available.

Sa kabilang banda naman, plano ng kalihim ng DOJ na huwag tanggalin ang New Bilibid Prison (NBP) kung sakaling mailipat na ang mga inmates dahil sa naging makasaysayan na ang lugar ng NBP at gawin na lamang itong regional prison.

Write to Ruby Supangan

More in National News

Latest News

To Top