Connect with us

Hepe ng NBI-Cybercrime Division, sinibak sa pwesto dahil sa anomalya

Itinalaga bilang officer-in-charge ng National Bureau of Investigation (NBI) si NBI Assistant Director Medardo de Lemos.

National News

Hepe ng NBI-Cybercrime Division, sinibak sa pwesto dahil sa anomalya

Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang pansamantalang pagsibak sa pwesto kay National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime Chief Vic Lorenzo at iba pang officers.

Ito ay habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa umano’y anomalyang operasyon sa Maynila noong Mayo 31.

Ayon kay Guevarra, ang pansamantalang pagsibak kay Lorenzo ay bahagi ng Standard Operating Procedure (SOP) tuwing may iniimbestigahan na NBI official or agent upang hindi maimpluwensyahan ang isinasagawang imbestigasyon.

Sinabi ni Guevara na ang kanyang interes ay mapanatili ang professionalism, disiplina at ethical conduct sa mga tauhan at operatiba ng pangunahing investigating agency sa bansa.

More in National News

Latest News

To Top