Connect with us

Herd immunity ngayong Pasko, abot kamay- Marikina LGU

Abot kamay na sa Marikina ang herd immunity kontra COVID-19 ngayong panahon ng Kapaskuhan.

COVID-19 UPDATES

Herd immunity ngayong Pasko, abot kamay- Marikina LGU

Abot kamay na sa Marikina ang herd immunity kontra COVID-19 ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Ito ang nakikita ni Marikina Mayor Marcy Teodoro sa takbo ngayon ng vaccination program sa siyudad.

Ayon sa alkalde, nasa 30,000-35,000 na bakuna na lamang ang kulang para makamit nila ang herd immunity.

Pero kahit malapit na nilang maabot ang herd immunity, hindi pa rin ititigil ng city government ang pagbabakuna.

Kapag mabakunahan na ang lahat ng taga Marikina, babakunahan rin ang mga non-resident o ang day time population o yung mga nagtatrabaho sa siyudad.

Kung magtutuloy-tuloy ang pagdating ng suplay ng mga bakuna, target ng city government na makamit ang herd immunity sa ikalawang linggo ng Agosto hanggang sa unang linggo ng Setyembre.

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top