Connect with us

High-speed internet access, target sa 14 na lalawigan

High-speed internet access, target sa 14 na lalawigan

National News

High-speed internet access, target sa 14 na lalawigan

High-speed internet access para sa buong bansa.

ito ang layon ng inilunsad na Phase 1 ng National Fiber Backbone (NFB) na ginanap sa Sofitel, Pasay City nitong Abril 19, 2024.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy, na sa pamamagitan ng naturang proyekto ay patataasin ang kapasidad ng serbisyo ng internet connectivity sa iba’t ibang lalawigan, tanggapan ng gobyerno at data centers sa bansa.

May kakayahan ang NFB Phase 1 na pabutihin ang operasyon ng 346 national at local government office na nakakonekta sa government network (GovNet).

Ang GovNet, na bahagi ng National Broadband Program ng DICT, ay nagbibigay ng high-speed internet access sa mga pampublikong ahensya, paaralan, at ospital sa buong bansa.

Sa paglunsad ng NFB Phase 1, nasa P145-M ang maaaring matipid ng pamahalaan sa proyekto kada taon.

Magpapalawig din ito ng digital lifeline sa mahigit 3-K libreng Wi-Fi sites, na magbibigay-daan sa direktang internet access para sa humigit-kumulang 750,000 benepisyaryo sa Rehiyon I, III, at NCR.

Sa ilalim ng NFB project ay mapabibilis din ang digital infrastructure at maisakatuparan ang target na maging fully connected na ang bansa.

Inaasahan naman ang pagkumpleto ng NFB project sa taong 2026.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top