Connect with us

High value individual, timbog sa buy-bust ops sa Kalinga

High value individual, timbog sa buy-bust ops sa Kalinga

National News

High value individual, timbog sa buy-bust ops sa Kalinga

Arestado ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Drug Enforcement Group Region 2, ang kinilalang suspek na si alyas “Robin”, 37 anyos, lalake na itinuturing rin na 1 sa mga high value individual ng mga awtoridad.

Ikinasa ang buy-bust ops nito lamang March 6, 2025 sa Rizal, Kalinga kung saan nakumpis rito ang humigit kumulang 240 mililiter ng hinihinalang marijuana oil na may estimated standard drug price na P28K at 10K gramo suspected dried marijuana leaves na may estimated standard drug price na P1M at iba pang non-drug evidence.

Agad na dinala sa Rizal Municipal Police Station ang suspek para sa dokumentasyon at disposisyon nito kasama na ang mga narekober na mga ebidensiya.

More in National News

Latest News

To Top