Connect with us

Higit ₱4 milyon smuggled na sigarilyo, nasabat sa Zamboanga City

Arestado ang tatlong hinihinalang smuggler ng sigarilyo sa isinagawang operasyon sa Cabatangan, Zamboanga City.

National News

Higit ₱4 milyon smuggled na sigarilyo, nasabat sa Zamboanga City

Arestado ang tatlong hinihinalang smuggler ng sigarilyo sa isinagawang operasyon sa Cabatangan, Zamboanga City.

Ito ay sa pangunguna ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP), Philippine Air Force at Custom Police.

Sa ulat kay PNP OIC Police Lieutenant General Vicente Danao Jr., kinilala ang mga nahuli na sina Khan Adin, Aldin Sabtal, at Benshariff Bari.

Nasamsam sa kanila ang 121 master case ng smuggled na Fort cigarettes na nagkakahalaga ng 4.2 milyong piso na nakatago sa isang orange na Isuzu Elf closed van.

Iginiit ni Danao na naging posible ang operasyon dahil sa matagumpay na intelligence gathering ng PNP at kooperasyon sa iba pang stakeholder.

More in National News

Latest News

To Top