Connect with us

Higit 115,000 manggagawa ng maliliit na negosyo, nakakuha ng cash aid

National News

Higit 115,000 manggagawa ng maliliit na negosyo, nakakuha ng cash aid

Nakatanggap ang 115,782 empleyado mula sa mga maliliit na negosyo ng first tranche ng salary subsidy mula sa pamahalaan.

Ayon kay Finance Assistant Secretary Antonio Lambino II, ang Social Security System (SSS) sa pakikipag-ugnayan nito sa Development Bank of the Philipines, ay nakapagbigay na ng wage subsidies sa ilalim ng .

Layunin ng naturang programa ng pamahalaan na mabigyan ang halos 3.4 milyong workers ng small and medium enterprises na apektado ng COVID-19 pandemic.

Tinatayang nasa P5,000 hanggang P8,000 din ang inaasahang ayuda para sa kanila, depende sa minimum wage level sa bawat rehiyon.

Sa tala ng Department of Finance (DOF), nasa 10,000 na employees ang direktang nakatanggap ng cash aid sa kanilang mga bank account o e-wallet habang iba naman ay natanggap ang ayuda sa pamamagitan ng money remittance sa MLhuiller branches.

Paalala naman ng DOF na maaari pang mag-apply ang mga employers sa wage subsidy program hanggang Mayo 8.

More in National News

Latest News

To Top