National News
Higit 1,600 indibidwal, apektado ng Bagyong Maring
Aabot sa 1,638 indibidwal o 478 pamilya ang apekto ng pananalasa ng Bagyong Maring.
Batay ito sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Nasa 850 indibidwal o 247 pamilya ang lumikas sa evacuation centers habang 30 indibidwal o 12 pamilya ang tumutuloy sa kanilang mga kaanak.
Naiulat din ang 15 pagbaha habang 8 sa mga ito ang humupa na sa Ilocos at Mimaropa.
Nagkaroon din ng 4 na landslide sa Mimaropa, Western Visayas, at Cordillera.
Hindi naman madaanan ang 24 kalsada at 10 tulay sa Ilocos, Cagayan, Mimaropa, at Cordillera.
Samantala, 482 pasahero, 246 rolling cargoes at dalawang sasakyang pandagat ang stranded sa Eastern Visayas.