Connect with us

Higit 3-K mahirap na pamilya sa Maynila, nabigyan ng ayuda

Higit 3-K mahirap na pamilya sa Maynila, nabigyan ng ayuda

National News

Higit 3-K mahirap na pamilya sa Maynila, nabigyan ng ayuda

Umabot ng higit sa 3-K mga mahihirap na pamilya mula sa mga Barangay ng Malate at 2 sa Tondo ang nakatanggap ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development NCR (DSWD-NCR), para sa mga nasunugan, gumuho ang bahay, bed-ridden, educational, and medical, funeral, at iba pang support services.

Pinangunahan ni Senator Francis Tolentino ang pamamahagi ng financial assistance sa mga residente ng Brgy. 775, Brgy. 20, at Brgy. 105.

Sa pamamagitan anya nito ay masisimulan ng mahihirap na pamilyang Pilipino na maibangon ang antas ng kanilang pamumuhay.

Sinabi pa ni Tolentino na isa rin itong paraan para maramdaman ng bawat pamilyang Pilipino na handang umalalay ang gobyerno at may mga programa na ipinapatupad para sa kanilang kapakanan.

More in National News

Latest News

To Top