COVID-19 UPDATES
Higit 300 Pinoy cruise ship workers mula Italy, nakauwi na ng bansa
Nakauwi na sa bansa ang mahigit 300 manggagawang Pinoy na nagtatrabaho sa barko mula Italy at Germany.
Ito ang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Close to 5000 Seafarers Home on Palm Sunday:…
Posted by Department of Foreign Affairs, Republic of the Philippines on Sunday, 5 April 2020
Nasa kabuoang 322 seafarers mula Italy ang dumating sa Manila noong linggo, Abril 5 kung saan 114 dito ay galing sa Costa Diadema at 208 mula sa Costa Victoria.
Ang mga nasabing mga Pinoy seafarer ay kasama sa kabuaang 4,300 seafarers na nakauwi na simula nang nakapagtala ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) cases sa bansa.