Connect with us

Higit 300,000 frontliners, nabigyan ng libreng sakay ng DOTR

Higit 300,000 frontliners, nabigyan ng libreng sakay ng DOTR

National News

Higit 300,000 frontliners, nabigyan ng libreng sakay ng DOTR

Nasa kabuuang 330,000 health workers sa buong bansa ang napagkalooban ng libreng shuttle service ng Department of Transportation (DOTR) simula pa ng implementasyon ng community quarantine.

AT YOUR SERVICE!TULUY-TULOY pa rin ang pag-arangkada ng NATIONWIDE FREE RIDE FOR HEALTH WORKERS PROGRAM ng DOTr!Sa…

Posted by Department of Transportation – Philippines on Wednesday, 22 April 2020

Ito ang sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa Laging Handa public briefing.

Aniya, sa Metro Manila ay may 67,000 frontliners ang naserbisyuhan ng free shuttle service ng DOTR.

Mayroong 20 ruta ang naturang shuttle service na nag-u-utilize ng mahigit 160 buses.

Samantala, inihayag pa ni Tugade na napag-usapan din ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang patungkol sa partial operability ng PUVs pagkatapos ng enhanced community quarantine (ECQ).

Dagdag pa ni Tugade, kung maaaprubahan o magkakaroon man ng partial operability ng pampublikong transportasyon, 30% operational capacity lang aniya, para ma-maintain ang patakaran ng Department of Health (DOH) sa social distancing, no mask, no ride policy at thermal scanning.

More in National News

Latest News

To Top