National News
Higit 31-K indibidwal, nananatili pa rin sa mga evacuation sites – DSWD
Aabot pa sa 31,354 na indibidwal o katumbas ng 8,141 na pamilya ang nananatili pa rin sa evacuation centers kasunod ng pananalasa ng .
Sa latest report ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, mayroon pang higit 500 evacuation centers ang may mga evacuee sa Regions 1, 2, 3, Calabarzon at Bicol Region.
Batay sa datos ng DSWD higit 31,000 pa na pamilya ang kasalukuyang apektado ng naturang bagyo.
Sa katunayan, nasa P2.6 milyon na ang halaga ng naihatid na tulong katuwang ang lokal na pamahalaan sa lugar sa mga apektadong pamilya.
