Connect with us

Higit 50 bus units, binigyan ng special permit ng LTFRB para sa 2023 FIBA World Cup

Higit 50 bus units, binigyan ng special permit ng LTFRB para sa 2023 FIBA World Cup

National News

Higit 50 bus units, binigyan ng special permit ng LTFRB para sa 2023 FIBA World Cup

Nagbigay ng special permit (SP) ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa ilang piling Public Utility Bus (PUB) para sa mga manonood at manlalaro na dadalo sa 2023 FIBA Basketball World Cup sa Philippine Arena, araw ng Biyernes, Agosto 25.

Kasama sa pagbibigay ng special permit ang pagtatalaga ng mga terminal bilang mga “pick-up and drop-off point” para sa mga pasahero na nais magtungo sa nasabing laro.

Kabilang dito ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa Parañaque City, Trinoma sa Quezon City, SM Mall of Asia sa Pasay City, One Ayala Terminal sa Ayala Avenue, Makati City.

Gayundin ang Cloverleaf Ayala sa A. Bonifacio Avenue, Quezon City, Market, Market Mall Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig City, Araneta City, Cubao, Quezon City, at SM Clark sa Angeles, Pampanga.

Tatagal mula sa Agosto 11 hanggang sa Setyembre 17, 2023 ang bisa ng special permit na ipinagkaloob ng LTFRB.

Ito ay para sa mga piling bus na gagamitin sa paghatid ng mga manlalaro at spectators mula sa 16 na mga bansang kalahok sa naturang laro.

Dahil dito, ang mga naturang bus na nabigyan ng special permit ay hindi maaaring hulihin ng Land Transportation Office (LTO), maging ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at iba pang mga ahensya ng gobyerno.

Exempted din ang mga ito sa ipinapatupad na mga batas trapiko partikular ang “number coding.”

Sinabi naman ni LTFRB Chairman Asec. Teofilo Guadiz III na isang karangalan sa Pilipinas na pangunahan o maging host ng 2023 FIBA Basketball World Cup.

Sa pamamagitan na rin aniya nito ay mas mapapalakas pa ang turismo ng bansa dahil sa pagdating ng mga turista.

“Isang malaking karangalan para sa ating bansa at inaasahang magpapalakas ito ng turismo dahil sa pagdating ng mga turista at iba pang mga bisita, dayuhan man o local,” ayon kay LTFRB, Asec. Teofilo Guadiz III.

Pagtitiyak ni Guadiz na katuwang ang iba pang ahensya ng pamahalaan ay magiging maayos ang pagdaraos ng nasabing aktibidad.

“Nakikiisa po ang LTFRB sa lahat ng mga ahensya ng gobyerno sa pagtitiyak na magiging maayos ang pagdaraos ng makasaysayang pandaigdigang patimpalak na ito ng basketball sa ating bansa,” dagdag pa nito.

 

More in National News

Latest News

To Top