Connect with us

Higit 90% ng LGUs sa bansa, hindi pa tapos sa pamimigay ng SAP

Nasa 400,000 pa na mga benepisyaryo ng ikalawang bugso ng Social Amelioration Program (SAP) ang hindi pa nakatatanggap ng cash assistance mula sa gobyerno.

National News

Higit 90% ng LGUs sa bansa, hindi pa tapos sa pamimigay ng SAP

Umabot pa lang sa 104 mula sa kabuuang 1,632 o halos 6% pa lang ng local government units (LGUs) sa bansa ang nakatapos mamahagi ng emergency cash assistance sa ilalim ng Social Amelioration Program.

Ayon sa (DSWD), ang naturang na bilang ay ang mga LGUs na nakaabot sa April 30 deadline.

Ibinahagi naman ni DSWD Spokesperson Irene Dumlao, na 10 LGUs pa lang ang nakapag-liquidate ng SAP funds nang 100%.

Kasama na rito ang lokal na pamahalaan ng Adams, Ilocos Norte; Pandi at San Miguel sa Bulacan; Casiguran, Sorsogon; San Vicente, Camarines Norte; Jordan, Guimaras; Buenavista, Guimaras; EB Magalona, Negros Occidental; Sulop at Taragona sa Davao Del Sur.

Ayon naman kay Social Welfare Secretary Rolando Bautista, nakapagbigay na ang ahensya ng P80.8 milyon na SAP fund sa 1,515 LGUs habang P50 billion dito ay naibigay na sa 9.4 milyong SAP beneficiaries sa unang tranche ng pamimigay ng ayuda.

Samantala, pinalawig pa ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pamamahagi ng SAP sa Metro Manila at ilang lalawigan.

More in National News

Latest News

To Top