Connect with us

Higit P115-M halaga ng droga, nasabat sa Mexico, Pampanga

Higit P115-M halaga ng droga, nasabat sa Mexico, Pampanga

Regional

Higit P115-M halaga ng droga, nasabat sa Mexico, Pampanga

Nalambat ang isang hinihinalang drug suspect matapos ang isinagawang operasyon ng pulisya sa Mexico, Pampanga.

Sa ulat ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG), kinilala ang naaresto na si Muslimin Mohamad Salim, 29 taong gulang at residente ng Roldan Street, Lower Bicutan, Taguig City.

Nakuha sa kanya ang tinatayang 17 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P 115 milyon.

Dinala na sa PDEG ang nahuli at ang mga nakuhang ebidensya para sa documentation at proper disposition.

Inihahanda na rin ang pagsasampa ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

More in Regional

Latest News

To Top