Regional
Hinihinalang miyembro ng NPA sa Gumaca, Quezon, patay
Patay ang isang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos ang engkwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalan at komunistang rebelde sa Gumaca, Quezon kahapon, Marso 31.
Ayon kay Lt. Col. Edward Canlas, 59th Infantry Battalion Commanding Officer, namimigay ng leaflets ang tropa ukol sa pagpigil ng pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19 ) sa Brgy. Bungahan nang may lumapit sa kanilang residente at ipinaalam ang presensya ng nasa 30 NPA sa lugar.
Agad aniyang rumesponde ang mga sundalo sa lugar na nagresulta ng palitan ng putok.
Matapos ang engkwentro, narekober ng militar ang isang granada, improvised explosive device at isang backpack na naglalaman ng subversive documents.
Sinabi ni Brigadier General Norwyn Romeo Tolentino, Commander ng 201st Infantry Brigade na ang npa members ay nangingikil sa mga residente sa lugar.