Connect with us

Historical film na “1521” ni Bea Alonzo, nakakuha muli ng award

Historical film na "1521" ni Bea Alonzo, nakakuha muli ng award

Showbiz

Historical film na “1521” ni Bea Alonzo, nakakuha muli ng award

Nanalo ng award sa 2024 Wu Wei Taipei International Film Festival ang Filipino historical film na ‘1521: The Quest for Love and Freedom’.

Sa awarding ceremony noong Setyembre 1, 2024, nakuha ni Francis Lara Ho ang ‘Producer of the Year’ award.

Sa pahayag ni Ho, ‘gift’ nya na kung maituring ang ‘1521’ sa kanyang bayang sinilangan, ang Pilipinas.

Noong nakaraang taon ay nakuha na ng historical film ang ‘‘Best Cinematography Feature Film’ award at ang ‘’Feature Film’ award mula sa Sweden Film Awards 2023.

Nakuha rin nito ang ‘Best Feature Film’ award sa 2023 Athens IMA Film Festival, at sa 2023 London Independent Film Awards.

Oktubre 2023 nang nagkaroon ito ng screenings sa mahigit 600 theaters sa Estados Unidos, at 2024 naman ang umpisa sa Canada maging sa local cinemas sa Pilipinas.

Ang pelikula na pinagbidahan nina Bea Alonzo at American actor na si Hector David Jr. ay sentro sa isang love story na nabuo noong 1521 kung saan bidang-bida rin ang pagiging bayani ni Lapu-Lapu sa makasaysayang “Battle of Mactan” sa Cebu.

Samantala, nagkaroon ng special screening sa King Juan Carlos Center sa New York University, USA ang 1998 remastered multi-award-winning historical drama na “Jose Rizal”.

Sa ulat ng Philippine Consulate General of New York, noong Agosto 27 ito nangyari kasabay ang pagdiriwang ng National Heroes’ Day ng Pilipinas.

Layunin ng special screening na maibida ang Philippine cinema.

Ang “Jose Rizal” ay nakasentro sa huling mga araw ng buhay ng nabanggit na bayani mula sa pagkakakulong nya sa Fort Santiago hanggang binaril ito sa Luneta, Manila.

At, sa lahat ng fans nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, may good news kami sa inyo!

Heads up dahil maaari nang mabili ngayon ang movie tickets para sa kanilang ‘Hello, Love, Again’.

Ito’y kahit mahigit isang buwan pa bago matutunghayan sa mga sinehan ngayong Nobyembre 13 ang nabanggit na pelikula.

Ang ‘Hello, Love, Again’ ay ang sequel sa 2019 hit film ng dalawa na “Hello, Love, Goodbye.”

Sa unang film, Hong Kong ang setting ng kwento at ngayon sa upcoming sequel ay sa Canada naman ang characters nina Kathryn at Alden.

More in Showbiz

Latest News

To Top