Connect with us

Pangunahing suspek sa pagpatay sa brodkaster na si Juan Jumalon, arestado ng PNP

Pangunahing suspek sa pagpatay sa brodkaster na si Juan Jumalon, arestado ng PNP

Regional

Pangunahing suspek sa pagpatay sa brodkaster na si Juan Jumalon, arestado ng PNP

Alas 3:10 ng madaling araw ng Lunes, April 29, 2024, nang masakote ang prime suspect sa pamamaslang sa brodkaster na si Juan Jumalon alyas Johnny Walker ng Misamis Occidental.

Sa pulong balitaan sa Kampo Krame, inanunsyo ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo ang pagkakaaresto kay Julito Mangumpit o alyas Ricky sa pinagsanib na operasyon ng Misamis Occidental at Zamboanga del Norte PNP.

Una nang naaresto noong Marso ng taong kasalukuyan ang 2 sa 3 suspek sa pagpatay sa brodkaster.

Matatandaang binaril at pinatay ng isang gunman ang biktima sa loob ng kanyang bahay sa gitna ng kanyang live program noong Nobyembre 5, 2023, habang nakabantay sa labas ng kanyang bahay ang 2 pang suspek.

Ayon kay Fajardo, sa pagkakahuli kay Mangumpi ay “accounted for” na ang lahat ng suspek sa brutal na krimen, para mapanagot sa batas.

Samantala, agad naman igagawad ng PNP ang nasa P3.7-M na reward sa mga indibidwal na nagbigay impormasyon para mahuli ang mga suspek sa nasabing kaso.

Sa ngayon, ay pinili munang huwag isapubliko ang mga pangalan ng mga informant para sa kanilang seguridad.

More in Regional

Latest News

To Top