Connect with us

Hiwalay na selda para sa heinous crime convicts, pinamamadali ng DOJ

Hiwalay na selda para sa heinous crime convicts, pinamamadali ng DOJ

National News

Hiwalay na selda para sa heinous crime convicts, pinamamadali ng DOJ

Sa inilabas na Department Order No. 208 series of 2024, ipinag-uutos ng Department of Justice (DOJ) ang pagbuo ng technical working group (TWG) para sa pagpapatayo ng hiwalay na pasilidad para sa mga preso na nahatulan ng heinous crime.

Gusto kasi ng DOJ na paigtigin at pabilisin na ang paglilipat ng New Bilibid Prison (NBP) sa mga regional prison facilities at ang pasilidad para sa mga nasabing person deprived of liberty (PDL).

Ito ay sa ilalim nang implementasyon ng Republic Act No. 11928, o mas kilalang Separate Facility for Heinous Crimes Act.

Ang TWG ay pangungunahan ni Justice Undersecretary Deo Marco kasama sina Director General Gregorio Catapang Jr., ng Bureau of Corrections (BuCor) at iba pang opisyal ng ahensiya.

Gusto nilang maging external members ang mga kinatawan mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at United Nations Office of Drugs and Crime.

Ang mga detension cells ay itatayo sa mga isla o sa military establishment.

May 3 pasilidad para sa high-level offenders na itatayo sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Sa pamamagitan nito ay masisiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan at ang kapakanan ng mga nakapiit sa kulungan ayon sa kalihim ng DOJ.

“In reforming those who have transgressed our laws, we should consider not only the welfare of the PDLs but the security and well-being of our community as well,” ayon kay DOJ, Sec. Jesus Crispin Remulla.

Inaatasan ang TWG na magsubmit ng report sa loob ng 90 araw.

More in National News

Latest News

To Top