National News
HNP, kinondena ang pagsibak kay Davao Rep. Isidro Ungab bilang chairman ng Appro Committee
Kinundena ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) Regional Party ni Davao City Mayor Sara Duterte Carpio ang pagkakasibak kay Davao City Rep. Isidro Ungab bilang Chairman ng House Committee on Appropriations.
Sa isang pahayag, iginiit ng HNP na hindi katanggap-tanggap ang biglaang pagsibak kay Ungab bilang Appro Chair at hindi aniya ito makakatulong sa legislative agenda ng Duterte Administration.
Sa kabila niyan ay pinasalamatan naman ng Hugpong ang ginawang serbisyo ni Ungab sa bansa at sa Pangulo.
Matatandaan na si Ungab ang sinasabing nagsumbong kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa DBM ng bilyong pisong parking funds sa 2020 para sa mga mambabatas na malapit naman kay Cayetano dahilan kaya hinarang ang proyekto ng mga distrito.
Si ACT- CIS Rep. Eric Go Yap naman na dating chairman ng House Committee on Games and Amusement ang papalit kay Ungab sa Appropriations Commitee.
Ulat ni: MJ Mondejar