National News
Hoarders ng bigas, posibleng may masasampulan na ngayon – mambabatas
Posibleng may masasampulan na at makukulong ngayon kaugnay sa isyu ng hoarding ng mga suplay ng bigas.
Nilinaw ni Cong. Erwin Tulfo ng ACT-CIS Party-list sa panayam ng sonshine radio na ipinoproseso nalang nila ang lahat na dokumento ukol dito.
Ipinangako rin ni Tulfo na hindi matatapos ang mga isinasagawa nilang raid sa ibat-ibang warehouses hangga’t walang masampulan o subalit depende parin sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.
Nitong Miyerkules, August 30, ay surpresang tinungo ng Bureau of Customs (BOC) ang 4 na bodega ng bigas sa Balagtas at Bocaue, Bulacan.
Nasa 150-K na sako ng bigas ang nadiskubre mula dito at ilang buwan nang naka-imbak.
Ngayon ay pansamantalang kinandado ng BOC ang 4 na warehouses sa Bulacan.
