Metro News
Hostage taker sa V-Mall, sumailalim na drug at paraffin test
Kaninang umaga nang isailalim sa test ang suspek na si Alchie Paray sa crime laboratory ng Eastern Police District Laboratory sa Mandaluyong City.
Isinailalim rin sa ballistic test ang armas na nakuha sa suspek.
Samantala, balik-normal na ang sitwasyon sa Virra Mall matapos ang nangyaring insidente.
10:00 am ng magbukas ang mall para sa normal shopping hours nito.
Mayroon na ring nag-zumba sa may entrance ng V-mall habang tuloy din ang paglilinis sa paligid nito at marami na rin ang pumapasok na sasakyan sa compound.
