Connect with us

Hostage taking sa isang mall sa San Juan, umabot ng higit 10 oras

Hostage taking sa isang mall sa San Juan, umabot ng halos 1o oras

Metro News

Hostage taking sa isang mall sa San Juan, umabot ng higit 10 oras

Umabot ng higit 10 oras ang hostage taking sa loob ng Virra Mall sa Greenhills Shopping Center sa San Juan City kahapon, Marso 2.

Ito ay matapos pakawalan ng hostage taker na si Archie Paray na dating security guard ng nasabing mall, ang kaniyang mga bihag na aabot sa 70 katao pasado 8:00 kagabi.

Isinugod naman sa Cardinal Santos Medical Cen­ter ang sugatang biktima na si Ronald Velita, na Officer-in-Charge (OIC) na security guard ng naturang mall matapos mabaril ng suspek.

Inaresto din ng mga otoridad ang suspek matapos mailabas niya ang kaniyang sama ng loob sa kaniyang agency na Safeguard Armor Security Corporation (SASCOR) sa pamamagitan ng isang press conference.

Inamin ni Paray na noong Disyembre pa niya plinano ang naturang pangho-hostage sa mga empleyado ng mall dahil sa hindi magandang pamamalakad ng kanyang mga boss.

Isa rin sa kanyang hinaing ay umano’y iregularidad sa kaniyang pinagtatrabahuhan at pangmamaliit sa isang mabababang empleyado na gaya niya.

Ang nasabing karanasan aniya ang naging dahilan kaya niya nagawang mang-hostage.

Continue Reading
You may also like...

More in Metro News

Latest News

To Top