Connect with us

Hot pursuit operation, isinasagawa sa mga suspek sa pagpatay sa ama ni Dr. Chao-Tiao Yumol

Pinaghahanap na ng Lamitan City Police ang mga suspek sa pagpatay sa ama ni Dr. Chao-Tiao Yumol na sangkot sa pamamaril sa Ateneo de Manila University sa Quezon City.

National News

Ayon kay Police Brigadier General Arthur Cabalona, Regional Director ng PRO BARMM, ipinag-utos na niya ang hot pursuit operation para mahuli ang mga nasa likod ng pamamaril.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung saan tinitingnan ang lahat ng anggulo na may kinalaman dito.

Sa impormasyon mula sa Lamitan City Police, alas-6:55 ng umaga nang pagbabarilin ng riding-in-tandem ang biktimang si Rolando Yumol habang nasa tapat ng kanilang bahay.

Dinala pa si Yumol sa Lamitan District Hospital pero idineklarang dead on arrival matapos magtamo ng tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

More in National News

Latest News

To Top